
Pinangalanan ng 'Unang Hirit' ang Kapuso artists na magniningning ngayong 2016.
By BEA RODRIGUEZ

Pinangalanan ng Unang Hirit ang Kapuso artists na magniningning o tinataguriang rising stars ngayong 2016.
Una sa listahan ang Male at Female Ultimate Survivor ng Starstruck Season VI na sina Migo Adecer at Klea Pineda na mapapanuod na natin sa nalalapit na pagbabalik ng fantaserye na Encantadia.
READ: Migo Adecer looks forward to being part of ‘Encantadia’ remake after ‘StarStruck’ win
Magniningning rin ang bituin ng Bubble Shakers member na si Arny Ross. Noong nakaraang taon, sinubukan niyang mag-pose sa men’s magazine na FHM, gumanap bilang isang kontrabida sa Marimar at ngayon ay isang lover girl sa GMA Telebabad series na Because of You.
Agaw atensyon rin ang actingan at paggaya ng komedyanteng si Denise Barbacena kay Yaya Dub bilang si “Yaya Bad” sa Bubble Gang. Madalas rin siyang nakikita ngayon sa Little Nanay at Wowowin bilang celebrity co-host.
READ: Comedienne Denise Barbacena, natakot daw i-spoof si Yaya Dub?
Napansin na noon ang child wonder na si Chlaui Malayao sa afternoon series na Yagit dahil sa kanyang husay sa pag-arte kaya fit na fit siya sa kanyang role ngayon bilang si “Chiechie” sa Little Nanay.
Kung romantic comedy naman ang hanap niyo, una sa listahan ang love team nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro na ilang beses na nagpatawa at nagpakilig sa Sunday PinaSaya.
LOOK: Stars to watch out for in 2016!