GMA Logo Skye Gonzaga, Mariane Saint, at Robb Guinto in TBATS
PHOTO COURTESY: GMA Network (YouTube)
What's on TV

Skye Gonzaga, Mariane Saint, at Robb Guinto, umamin kung sino ang kanilang crushes

By Dianne Mariano
Published November 22, 2024 6:22 PM PHT
Updated November 24, 2024 3:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Skye Gonzaga, Mariane Saint, at Robb Guinto in TBATS


Alamin kung sino ang mga crush nina Vivamax stars Skye Gonzaga, Mariane Saint, at Robb Guinto na Kapuso actors dito.

Naghatid ng saya ang sexy actresses na sina Skye Gonzaga, Mariane Saint, at Robb Guinto sa The Boobay and Tekla Show kamakailan.

Sumalang ang tatlong guest celebrities sa “Guilty or Not Guilty” segment, kung saan sinagot nila ang ilang maiinit na tanong. Isa sa mga tanong dito ay: “May crush na Kapuso actor pero may dyowa na ito.”

Tatlong “Guilty” answers naman ang sinagot nina Skye, Mariane, at Robb.

Unang sumagot si Skye Gonzaga at sinabi niyang ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang kanyang crush na Kapuso actor.

Para naman kay Mariane Saint, ang Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid ang kanyang crush. Nang tanungin ng TBATS host na si Tekla si Mariane kung ano ang nagustuhan nito kay Ruru, sagot ng aktres, “Singkit tapos may dimples.”

Dagdag pa niya, “Gusto ko siya maka-eskena.”

Samantala, ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards naman ang crush na Kapuso actor ni Robb. Ayon pa sa sexy star, nais niyang makatrabaho ang Kapuso star sa isang pelikula.

Bukod dito, sumabak din sina Skye, Mariane, at Robb sa segment na “Don't English Me,” kung saan naglaban ang tandem nina Boobay at Robb ang team nina Tekla, Mariane, at Skye sa pag-translate ng Filipino phrases sa Ingles.

Samantala, nagbigay ang sexy stars ng payo sa mga nagpadala ng sulat tungkol sa pag-ibig at relasyon.


Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:10 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.