
Tiyak na mag-iinit ang Sunday night n'yo dahil tatlong sexy stars ang mapapanood sa The Boobay and Teka Show ngayong Linggo.
Sasabak sina Skye Gonzaga, Mariane Saint, at Robb Guinto sa fun at revealing Q&A na “Gulity or Not Guilty.”
Sino kaya sa special guests natin ang may crush kay Kapuso Drama King Dennis Trillo, kinikilig kay Asia's Multimedia Star Alden Richard, at nais makatrabaho si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid?
Muling nagbabalik din ang segment na “Don't English Me,” kung saan ang tandem nina Robb at Boobay ay makakalaban ang trio nina Mariane, Skye, at Tekla sa pag-translate ng Filipino phrases sa Ingles.
Samantala, sa isang special segment ay magbibigay ang sexy stars ng nakakatutuwang mga payo sa mga nagpadala ng sulat tungkol sa pag-ibig at relasyon.
Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:10 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.