
Bagong ebidensya at sikreto ang mabubunyag ngayong Miyerkules (May 21) sa murder mystery series na SLAY.
Sa teaser na inilabas ng SLAY, kinuwestiyon ni Sugar (Mikee Quintos) si Amelie (Gabbi Garcia) kung siya ba ang naging karelasyon ng yumao nitong kuya na si Byron (Jon Lucas) matapos na makita ang bracelet na suot nito. Tinanong din ni Sugar si Amelie kung may alam ba ito sa pagkamatay ng kanyang kuya.
Kinumpronta naman ni Amelie ang ina na si Marga (Phoemela Baranda) tungkol sa bracelet.
Samantala, totoo kayang may kinalaman sina Amelie, Sugar, at Yana (Ysabel Ortega) sa pagkamatay ni Zach (Derrick Monasterio)? Makalaya pa kaya ang tatlo mula sa pagkakakulong?
Abangan 'yan sa SLAY ngayong Miyerkules, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG 'SLAY' SA GALLERY NA ITO: