
Lumabas na ang resulta ng latest poll kung sino ang hula ng viewers na pumatay sa fitness influencer na si Zach (Derrick Monasterio).
Para sa ikaanim na linggo ng murder mystery series na SLAY, nag-tie sa poll ang stepsisters na sina Amelie (Gabbi Garcia) at Liv (Julie Anne San Jose) na parehong nakakuha ng pinakamataas na boto na 25 percent.
Sinundan naman ito ni Yana (Ysabel Ortega) na nakakuha ng 14.2 percent vote at Sugar (Mikee Quintos) na may 10.7 percent vote.
Marami rin ang bumoto kung saan sa tingin nila ay wala kina Amelie, Liv, Yana, at Sugar ang killer, na may 17.8 percent vote.
Samantala, 7.14 percent naman ang naniniwala na may kinalaman ang apat na babae sa pagkamatay ni Zach.
Huwag palampasin ang tumitinding mga eksena at rebelasyon sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: