
Painit nang painit ang mga eksenang dapat na abangan sa murder mystery series na SLAY.
Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Huwebes (May 22), kukuwestiyunin ni Amelie (Gabbi Garcia) ang pag-alis ng amang si Hector (James Blanco) sa kanilang bahay.
Dito na makukumpirma ni Amelie na nagkaroon ng affair ang inang si Marga (Phoemela Baranda) sa kuya ni Sugar (Mikee Quintos) na si Byron (Jon Lucas).
Paano kaya haharapin ni Amelie ang sikretong ito ng kanyang ina?
Samantala, hindi titigil si Sugar hangga't hindi nalalaman kung sino ang naging nobya ng kanyang kuya.
May kinalaman kaya si Marga sa pagkamatay ni Byron?
Abangan 'yan sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG 'SLAY' SA GALLERY NA ITO: