GMA Logo slay
What's on TV

SLAY: Yana, bagong suspek sa pagkamatay ni Zach!

By Aimee Anoc
Published May 7, 2025 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

slay


May kinalaman nga ba si Yana (Ysabel Ortega) sa pagkamatay ni Zach (Derrick Monasterio)?

May witness sa pagtatalo noon nina Zach (Derrick Monasterio) at Yana (Ysabel Ortega) dahil sa pera.

Matatandaan na ilang araw bago mamatay ang fitness influencer na si Zach, nagkaroon sila ng matinding sagutan ni Yana. Ito ay matapos na matuklasan ng una na peke ang relong ibinenta sa kanya ng huli.

Ginipit at pinagbantaan ni Zach si Yana na maibalik kaagad ang pera pero hindi ito maibigay kaagad ni Yana dahil nagastos na nito ang pera.

Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Miyerkules, kokomprontahin ni Lenard (Bernard Palanca) si Yana kung pinatay nga ba nito si Zach. Naniniwala si Lenard na may itinatago si Yana.

Mabubuking na nga ba ang sikretong itinatago ni Yana tungkol sa nangyaring pagtatalo nila noon ni Zach?

Abangan 'yan sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: