GMA Logo Derrick Monasterio
What's on TV

Derrick Monasterio, sino ang hula na pumatay kay Zach sa 'SLAY'?

By Aimee Anoc
Published April 28, 2025 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 11, 2025
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio


Sino kaya kina Amelie, Sugar, Yana, at Liv ang hula ni Derrick Monasterio na pumatay sa kanyang karakter na si Zach sa 'SLAY'? Alamin dito.

Patuloy ang intense at mabibigat na eksenang napapanood sa murder mystery series na SLAY, kung saan unti-unti na ring natutuklasan ang maaaring motibo nina Amelie (Gabbi Garcia), Sugar (Mikee Quintos), Yana (Ysabel Ortega), at Liv (Julie Anne San Jose) sa pagsunog at pagpatay sa fitness influencer na si Zach (Derrick Monasterio).

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Derrick kung sino sa tingin niya ang salarin sa pagkamatay ni Zach. Para sa aktor, ito ay si Yana, na ginagampanan ni Ysabel Ortega.

"Sa tingin ko si Yana kasi nga law student siya," sabi ni Derrick.

"'Pag may nangyari sa akin kaya niyang i-cover up 'yon. Hahanap siya ng mga loophole sa batas. Opinyon ko lang 'yon ha," dagdag niya.

Si Yana ay isang law student na gagawin ang lahat para mapanatili ang upper-class lifestyle niya. Matatandaan na pinagbantaan ni Zach ang buhay nito matapos siyang pagbentahan ng pekeng relo.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Derrick ang mga dapat pang abangan sa tumitinding mga eksena sa SLAY.

"'Yung pinaka-last taping ko, ni Zach sa SLAY, 'yung ginawa naming scene is with Julie and with my mom.

"Parehong flashback, parehong mabigat 'yung eksenang 'yon kasi 'yung nangyari sa amin ni Julie is something na masakit para sa kanya. Magkakaroon pa siya ng more motivation to kill me. Abangan n'yo kung ano 'yon," ani Derrick.

Patuloy na subaybayan ang SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: