
Haharap sa isang mabigat na desisyon si Yana (Ysabel Ortega) matapos na alukin ni Inspector Georgia na tumestigo laban sa mga kaibigan.
Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Lunes (May 19), inaalok ni inspector Georgia si Yana na tumestigo laban kina Amelie (Gabbi Garcia) at Sugar (Mikee Quintos) sa murder case ni Zach (Derrick Monasterio).
Maririnig ni Marga (Phoemela Baranda) ang sikretong pag-uusap ng mag-amang Yana at Charlie (Chuckie Dreyfus) tungkol sa pagtestigo ni Yana laban sa mga kaibigan.
Samantala, sino kaya ang gustong sumagasa kay Yana?
Abangan 'yan ngayong Lunes, May 19, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: