
Major throwback ang hatid ng seasoned actress na si Snooky Serna sa kaniyang latest YouTube vlog, kung saan nag-react siya sa mga eksena ng ilan sa kaniyang mga pelikula noon.
Isa sa mga pelikula na kasama sa vlog ng aktres ay ang Underage kung saan kasama niya sina Diamond Star Maricel Soriano at Dina Bonnevie. Dito ipinakita ang eksena nilang tatlo na sumasayaw sa umpisa ng film.
Ang naturang pelikula ay idinirehe ng late director na si Joey Gosiengfiao.
Tinanong ng kaibigan ni Snooky na si Bam Salvani kung ano ang memories ng aktres sa paggawa ng Underage.
“Good memories siyempre. Naging parang kaming magkakapatid talaga nina Dina [at] Maricel. Ako 'yung bunso nila, ako 'yung pinakabata. Ang saya ng shooting namin,” pagbabahagi niya.
Ganoon din ang sinabi ni Dina Bonnevie sa recent YouTube vlog ni Maricel Soriano nang mapag-usapan ang pelikula nila na Underage. Ayon sa batikang aktres, magkakapatid ang turingan nilang tatlo habang ginagawa ang pelikula, pati na rin hanggang ngayon.
Ani Dina, “Ang maganda no'n, noong nagwu-work tayo, even naman now e, parang tayong magkakapatid talaga.” Sinang-ayunan agad ni Maricel ang sinabi ng kapwa aktres.
Kasalukuyang mapapanood si Snooky bilang Velda Gatchalian sa modern version ng Underage sa GMA. Ang programang ito ay pinagbibidahan nina Sparkle actresses Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Subaybayan ang Underage tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Naka-livestream din ang programa sa Kapuso Stream at sa official Facebook at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, ALAMIN ANG IBA'T IBANG ROLES NA GINAMPANAN NI SNOOKY SERNA SA MGA GMA TELESERYE SA GALLERY NA ITO.