GMA Logo snooky serna underage
PHOTO COURTESY: Snooky Serna (YouTube)
What's on TV

Snooky Serna, nag-react sa matinding eksena kasama sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes sa 'Underage'

By Dianne Mariano
Published March 6, 2023 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Via Crucis (Way of the Cross) procession during Good Friday celebrations in Rome
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

snooky serna underage


"I really feel cringey." Alamin kung bakit nasabi ito Snooky Serna tungkol sa eksena niya kasama ang Sparkle stars na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes sa 'Underage':

Nag-react ang batikang aktres na si Snooky Serna sa isa sa mga matitinding eksena niya sa GMA Afternoon Prime series na 'Underage,' na pinagbibidahan nina Kapuso stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Sa bagong vlog ng seasoned artist sa kanyang official YouTube channel, nagbigay siya ng kanyang reaksyon sa larawan ng ilang celebrities at videos mula sa iba't ibang mga programa tulad ng Underage.

Mapapanood sa bandang huling bahagi ng vlog ni Snooky ang eksena ng kanyang karakter na si Velda Gatchalian kasama ang Serrano sisters sa loob ng presinto.

Sa naturang eksena, matinding galit ang naramdaman ni Velda sa magkakapatid dahil sinabing rapist ang kanyang yumaong anak na si Leo (Nikki Co) at sinabunutan pa niya rito si Chynna (Elijah Alejo).

PHOTO COURTESY: Snooky Serna (YouTube)

Ibinahagi naman ni Snooky ang kanyang reaksyon sa tuwing kailangan niyang gawin ang ganitong klaseng eksena.

“Kapag po 'yung ganyan, 'yung may mga eksena na sampalan, sabunutan, I really feel cringey about it kasi alam kong mabigat ho 'yung kamay ko. May tendency po talaga ako na baka masaktan ko po 'yung ka-eksena ko,” kuwento niya.

Ayon pa sa award-winning actress, siya ay natutuwa kina Lexi, Elijah, at Hailey dahil nais pa ng mga ito na totohanin niya ang nangyari sa eksena.

“Nakakatuwa pa nga, specifically dito sa mga batang 'to, kina Lexi, kay Hailey, kay Elijah, gusto pa nila na talagang totohanin ko. Sinasabi nila, 'Tita, totohanin niyo po.' Like, niloloko pa ako ni Elijah sabi niya, 'Tita, kapag galing ho sa sampal niyo, okay 'yan. Gusto ko 'yan nasampal ako ni Snooky Serna' [laughs]” aniya.

Alamin ang iba pang reaksyon ni Snooky Serna sa kanyang vlog sa ibaba.

Kasalukuyang mapapanood si Snooky sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, ALAMIN ANG NOTABLE ROLES NI SNOOKY SERNA SA GMA TELESERYES SA GALLERY NA ITO: