
Productive at puno ng blessings ang taong 2022 para sa Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay dahil sa mga proyektong ibinigay sa kanila at kanilang napagtagumpayan nang magkasama.
Patunay na rito ang maraming GMA shows na nagbukas ng pinto para sa kanilang tambalan gaya ng Regal Entertainment series na Raya Sirena, I Love You Tol, Daig Kayo Ng Lola Ko episode na 'Carol Parol,' at bigating offering ng Tadhana na 'Hanggang Kailan.'
Ngayong taon din binuo ang kanilang first major teleserye na Luv is: Caught in His Arms na ipapalabas na sa January 2023.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa dalawang young actors, ibinahagi nila ang mga aral na kanilang natutunan sa taong ito.
Ayon kay Sofia, hindi niya malilimutan ang mga itinuro sa kanya ng kanilang mga naging katrabaho sa nasabing upcoming series gaya ng direktor nito na si Barry Gonzales.
Aniya, “Ang dami kong natutunan this year pero I think yung pinaka-tumatak sa akin is nung nakatrabaho ko sina Direk Barry Gonzales sa Luv is: Caught in His Arms.
“Ang laki kasi ng influence nila sa amin ni Allen kasi ngayon lang kami nakatanggap ng advice na [during taping] they never told us na, 'Ang galing n'yo.' they always tell us na, 'Okay lang, bawi na lang kayo next time,' so kami we feel na parang kulang. Noong dulo na at saka lang po nila sinabi na, 'I'm proud of you guys. You did a great job. Hindi lang namin sinasabi sa inyo, pero magaling kayo.'”
“So natutunan ko sa kanila na minsan it's also good na hindi mo naririnig na maganda yung ginagawa mo kasi it will help you think na ano ba'ng kulang so mag-iisip ka talaga ng ibang ways para ma-improve 'yung sarili mo,” patuloy pa ni Sofia.
Para naman kay Allen, mahalaga para sa kanya ang pagsisikap na matuto kung may gustong gawin.
“Ako naman, ang pinakanatutunan ko ngayong taon is maging gutom ka [na matuto] kasi gaano pa kahirap 'yung isang bagay basta pinag-aralan mo 'yan, binigay mo 'yung makakaya mo, magagawa mo 'yan,” ani Allen.
Samantala, panoorin ang full trailer ng Luv is: Caught in His Arms, DITO:
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA SOFIA AND ALLEN SA GALLERY NA ITO: