GMA Logo Sofia Pablo at Allen Ansay
What's on TV

Sofia Pablo at Allen Ansay, bibida muli sa 'Regal Studio Presents'

By Marah Ruiz
Published July 14, 2022 11:21 AM PHT
Updated July 14, 2022 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Localized thunderstorms to bring rain over Metro Manila, rest of PH — PAGASA
Creating with the boundless soul of an artist
Singapore Oceanarium spotlights native seahorses through exclusive guided experience

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay


Ang "Mind the Gap" ang pangalawang episode na pagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa 'Regal Studio Presents'

Magbabalik ang tambalan nina Sparkle Sweethearts Sofia Pablo at Allen Ansay sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Ang episode na "Mind the Gap" ang pangalawang beses na paglabas nila bilang lead stars matapos ang matagumpay na pilot episode na "Raya Sirena" na nagkaroon pa ng spin-off series.

Mas challenging at mature ang roles nina Sofia at Allen sa "Mind the Gap."



Gaganap si Sofia bilang Yuki, isang dalagang may intellectual disability kaya tila parang bata pa rin ang asal at kilos niya.

Si Allen naman ay si Ian, isang troubled young man na dinala sa bahay ng kanyang lola bilang parusa sa pagiging pasaway niyang estudyante. Dito niya makikilala si Yuki.

Sa una, hindi magugustuhan ni Ian na nais maging malapit sa kanya ni Yuki pero tila mapapalapit ito sa isip-batang dalaga dahil sa kabutihan nito sa kanya.

Abangan ang kakaibang story na bibigyang-buhay nina Sofia at Allen sa brand new episode na "Mind the Gap," July 17, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.