GMA Logo Sofia Pablo and Allen Ansay
What's on TV

Sofia Pablo at Allen Ansay, enjoy sa bagong characters nila sa 'In My Dreams'

By Kristian Eric Javier
Published March 9, 2023 9:54 AM PHT
Updated May 30, 2023 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Conflict in the Middle East (April 30, 2026)
Non-structural fires in Davao City more than doubled in Q1 of 2026
Sean Lucas enjoys Paris adventure

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay


Ano nga ba ang dapat abangan kina Sofia Pablo at Allen Ansay sa digital series na 'In My Dreams?'

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye nila na Luv Is: Caught in His Arms, naghahanda naman ang mga bida nitong sina Sofia Pablo at Allen Ansay para sa bago nilang digital series na In My Dreams. Ayon sa dalawa, enjoy sila sa bago nilang serye at sa pag-explore ng bago nilang characters.

Sa interview ng dalawa kay Nelson Canlas sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras, ipinahayag Sofia at Allen ang excitement sa bago nilang proyekto.

“Really enjoyable kasi may freedom po talaga mag explore since kakaiba nga po 'yung kwento so nakakapag-explore ng ibang acting for the magical thingy,” sabi ni Sofia.

Nauna nang ibinahagi ng dalawa ang experience sa bagong characters na ipo-portray nila at ayon kay Allen, malayo ito sa nauna nilang serye na Prima Donnas.

Ikinwento din ni Allen na iba ang paghahanda na ginawa niya para sa seryeng ito kumpara sa mga dating roles.

“Nabago po talaga kasi mas na-realize ko po na may mga kailangan pa akong gawin kasi medyo maganda 'yung twist nito,” sabi nito, pero hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.

Samantala, reunited naman ang Team Jlly sa mga kontrabida na sina Elijah Alejo, na lumabas din sa Prima Donnas, at sina Tanya Ramos at Cheska Fausto na nakatrabaho naman nila sa Luv Is: Caught in His Arms.

Bukod sa mga dating kasamahan sa serye ay makakatrabaho din nila dito ang dating Maria Clara at Ibarra star na si Juancho Trvino, at ang Mga Lihim ni Urduja actress na si Sanya Lopez sa maikli pero importanteng roles.

Ani Sanya, “Kaya ako biglang napa-yes dito because first time ko makatrabaho si Allen 'tsaka si Sofia, 'tsaka 'yung mga bagong bagets. Feeling ko bagets din ako.”

LOOK: SOFIA PABLO AND ALLEN ANSAY-STARRER 'IN MY DREAMS' FIRST TAPING DAY