
Nakabalik na sa Pilipinas ang Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay matapos ang kanilang first international trip together sa Singapore kamakailan.
Bukod sa happy memories, baon din ng dalawa ang kanilang newest discoveries sa isa't isa matapos ang kanilang saglit na bakasyon.
Sa isang panayam sa GMANetwork.com, ibinahagi nina Sofia at Allen ang kanilang mga nalaman sa isa't isa matapos ang kanilang first out of the country.
Ayon kay Allen, isa sa bago niyang nadiskubre kay Sofia ay ang pagiging matipid nito.
Aniya, "Kapag nasa ibang bansa siya, hindi siya magastos. Bibilhin niya 'yung kailangan niya lang. Kasi kung tutuusin doon ang daming mura, ang daming magagandang [gamit]."
"Ang mga binili niya [lang] unang-una pasalubong, pasalubong para sa mga kakilala namin, tapos bumili siya ng mga gamit niya na kailangan niya lang," dagdag pa niya.
Paliwanag naman ni Sofia, "Siyempre ano, money is a thing na hindi ka sure kung hanggang kailan meron ka so spend it wisely."
Mayroon ding nadiskubre ang teen actress patungkol sa kanyang onscreen partner na si Allen --- ito ay ang pagiging mahilig niya sa Indian food.
Kuwento niya, "Na-discover ko kay Allen is grabe pala talaga yung pagkahilig niya sa Indian food. Sakto kasi sa Singapore marami rin kasing Indians doon so marami ring Indian restaurants, kalat-kalat sila everywhere in Singapore so ang dami niyang natitikman [na Indian food]."
Kamakailan ay ipinagdiwang din ni Sofia ang kanyang 7th anniversary bilang isang Kapuso.
Samantala, abala na rin ngayon sina Sofia at Allen para sa kanilang pagbibidahan na upcoming kilig series na Luv is: Caught in His Arms kasama ang ilan sa Sparkada members na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Sparkada girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.
SILIPIN ANG NAGING SINGAPORE TRIP NINA SOFIA AT ALLEN SA GALLERY NA ITO: