
Enjoy na enjoy sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa mga kasama nila sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.
Sa katunayan, isang beses ay napagalitan si Sofia at ang kanyang co-stars na sina Will Ashley at Minnie Aguilar ng direktor nilang si Jerry Lopez Sineneng.
"Actually may time po na napagalitan kami, napagalitan kami ni Will at tsaka ni Ms. Minnie kasi tawa kami nang tawa kasi nagjo-joke si Ms. Minnie tapos hindi kami maka-recover ni Will sa joke [niya]," pahayag ni Sofia sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Si Allen naman ay naging close na rin kay Radson Flores. Magkaibigan ang ginagampanan nilang mga karakter na sina Xavier at Justin.
Ani Allen, "Kami ni Radson, 'yung kulitan namin, sinasabi ni Direk na, 'yan, dapat ganyan, parang totoo na 'yung nangyayari."
Habang ongoing ang kanilang taping, hindi ginagamit nina Sofia at Allen ang kanilang cellphone.
"Masaya rin pala na walang phone sa set kasi mas nabubuo 'yung bonding. Lahat kami talagang nag-uusap-usap, walang nagpo-phone sa gilid," kuwento ni Sofia.
Dagdag ni Allen, "'Pag wala kang phone, parang ang tagal ng oras. Hindi mo namamalayan, nag-i-Instagram ka lang, nakaka-30 minutes ka na. Ang bilis kumpara sa kuwentuhan lang."
Nagsilbi ring host ng AnakTV Sinebata Awards sina Sofia at Allen.
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras dito:
Abangan ang Prinsesa Ng City Jail, malapit na sa GMA Afternoon Prime.