
Saludo ang Sparkle actress na si Sofia Pablo sa pagiging maalaga ng kaniyang loveteam na si Allen Ansay sa mga kapatid nito.
Sa ginawa nilang livestream para sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na “Be the Bes” noong June 4, inilahad ni Allen ang paborito niyang bonding moment kapag nakasama ang mga kapatid na nasa Bicol.
Kuwento ng StarStruck First Prince, “Kami ng mga kapatid ko talaga buong araw, siyempre, bukod sa paglalaro ng Mobile Legends or sa games.
“Buong araw talaga nag uusap-usap lang kami, bonding kami. Lalo na pag umuuwi ako ng Bicol kumakain kami ng mga lahat ng favorite namin sama-sama lang kami at enjoy kami magkakasama.”
Habang nagla-livestream sila, pinuri ni Sofia si Allen na nakikita kung paano niya mahalin ang kaniyang mga siblings.
Pagbibida ng aktres sa kaniyang kapareha, “Pero in fairness kay Allen, laging ko nakikita na kausap niya 'yung mga kapatid niya… Bait-bait na kuya nito, e, lagyan natin ng angel 'yan [Sofia draws a halo ring]”
“Alam n'yo isa si Allen sa mga kilala ko na may kapatid na ang dami niyang dreams [na] gusto matupad para sa mga kapatid niya, hindi lang sa parents niya. Like kunwari, nasa labas kami sasabihin niya lagi, 'sana kasama ko si Marian, sana kasama ko si JR'.”
“Basta gusto niya lagi sila kasama, kaso siyempre [nasa] school sila 'di puwede.”
Panoorin ang online chikahan nina Allen at Sofia na binansagan na Team Jolly DITO:
Sofia Pablo at Allen Ansay, ano ang first impression sa isa't isa?
Allen Ansay, proud daw sa role na ginampanan ni Sofia Pablo sa 'Be The Bes!'
Sofia Pablo, may pa-trivia sa kanyang archery skills
Bukod sa multi-episode project nila para sa Daig Kayo Ng Lola Ko, main cast members din sina Allen Ansay at Sofia Pablo ng brand-new sitcom na Open 24/7 na pinagbibidahan nina Jose Manalo, Maja Salvador, at Vic Sotto.
KILIG PHOTOS NG TEAM JOLLY: