GMA Logo Sofia Pablo
What's on TV

Sofia Pablo, hindi na sumabak sa swimming lessons para sa mermaid role sa 'Raya Sirena'

By Aimee Anoc
Published April 8, 2022 3:48 PM PHT
Updated April 13, 2022 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo


"Kasi 'yun po actually 'yung pinakamagaling ako sa swimming, ang mermaid swimming." - Sofia Pablo

Excited na ibinahagi ni Sofia Pablo ang katuparan ng pangarap na magkaroon ng mermaid role sa upcoming fantasy series na Raya Sirena.

Sa isang press interview, sinabi ni Sofia na mas masaya siya ngayon na isa nang miniseries ang Raya Sirena, mula sa pagiging isang episode nito sa anthology series ng Regal Studio Presents.

"Sobrang fulfilled po sa pakiramdam kasi after seven years ng pag-aartista heto na ako na si Raya Sirena, 'yung pinapangarap kong maging mermaid before na natupad in a one episode. Ngayon mas masaya na kasi it's a miniseries so mas marami na akong scenes na pagiging mermaid," sabi ng aktres.

Ayon kay Sofia, mas malalim na ang kuwento ng Raya Sirena ngayon at ito ang dapat na abangan ng manonood.

"Masasabi ko po na ang kuwento ni Raya Sirena this time is much deeper and mas mayroon na siyang kuwento talaga rito. Hindi na lang siya basta maldita rito, talagang may hinahanap na siya sa pagkatao niya," dagdag ni Sofia.

Pagdating sa paghahanda sa kanyang mermaid role, ikinuwento ni Sofia na hindi na niya kinakailangang sumailalim sa swimming lessons.

"Hindi po. Kasi 'yun po actually 'yung pinakamagaling ako sa swimming, ang mermaid swimming. 'Di ba po bukod sa mermaid swimming mayroon pong mga freestyle, backstroke, pero ako po mermaid swimming po talaga ako pinakamagaling," sabi ni Sofia.

Makakasama ni Sofia sa miniseries na ito sina Allen Ansay, Saviour Ramos, Juan Carlos Galano, Elias Point, Reins Mika, Ayeesha Cervantes, Jana Francine Taladro, Shecko Apostol, Gerald Pesigan, Shirley Fuentes, at Mosang.

Abangan ang Raya Sirena ngayong Abril sa GMA.

Samantala, mas kilalanin pa si Sparkle artist Sofia Pablo sa gallery na ito: