GMA Logo Sofia Pablo
What's on TV

Sofia Pablo, naghahanda na sa lock-in taping ng 'Prima Donnas Season 2'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 18, 2021 10:20 AM PHT
Updated January 4, 2022 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mark Lee to leave NCT and SM Entertainment
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo


Abangan ang pagbabalik ni Donna Lyn sa 'Prima Donnas Season 2!'

Hindi maitago ni Sofia Pablo ang kanyang excitement dahil malapit nang magsimula ang lock-in taping ng pinagbibidahan niyang teleserye na Prima Donnas kasama sina Jillian Ward at Althea Ablan.

Magbabalik na kasi si Sofia bilang Donna Lyn sa ikalawang season ng Prima Donnas na mapapanood sa GMA Afternoon Prime.

"Gusto ko pong ituloy 'yung hindi ko naipakita na istorya ni Len-Len and ngayon, talaga pong makakaasa 'yung mga tao na worth it 'yung pag-aantay nila kay Len-Len," saad ni Sofia sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Bukod sa pagbabalik ni Sofia, dapat din abangan sa Prima Donnas Season 2 sina Allen Ansay at Bruce Roeland.

Sa naunang panayam kay Sofia, nagbigay siya ng patikim kung ano ang aasahan ng mga manonood kay Donna Lyn.

Saad niya,"Ipapangako ko sa inyo, nandito na ako ulit para pangitiin kayo, or kahit paiyakin kayo."

"My character is very different kung ano ako nung Book 1, talagang mas naging matapang."

Isang post na ibinahagi ni Sofia Pablo (@sofiapablo)

Bago ang Prima Donnas Season 2, mapapanood sina Sofia, Allen, at Bruce sa ikalawang istorya ng Regal Studio Presents na Raya Sirena bukas, September 18, 8:30 p.m. sa GMA.