GMA Logo Sofia Pablo and Sofia Official
Photo by: Sparkle GMA Artist Center, GMA Pictures
What's Hot

Sofia Pablo, nanood ng 'Huwag Kang Titingin' kasama ang fans

By Kristine Kang
Published April 26, 2026 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH women's 4x60m relay team captures silver in Asian Beach Games
The new 'barely there' beauty secret for glowing, resilient skin
Huwag Kang Titingin: One Word to Describe your Character | Sean Lucas

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Sofia Official


Huwag palampasin ang horror experience ng 'Huwag Kang Titingin' in cinemas nationwide!

Tuloy pa rin ang takutan at saya ng netizens sa summer horror film na Huwag Kang Titingin!

Mula sa premiere night hanggang sa second week nito sa mga sinehan, labis na nag-enjoy ang fans sa kakaibang horror experience dala ng pelikula.

Mayroon din ilang fandoms na masayang dumalo sa kanilang block screening kasama ang kanilang paboritong Kapuso stars.

Kamakailan, hindi rin nagpatalo ang mga Sofia Official, Alfia, at Sofino fans na magpakita ng suporta sa kanilang special block screening sa SM North EDSA Director's Club.

Mas naging espesyal ang event nang nakasama rin nila mismo ang Huwag Kang Titingin star na si Sofia Pablo!

Maliban sa panonood ng horror film, masaya rin dinala ng fans ang kanilang personalized banners, posters, at isang malaking bouquet para sa Kapuso aktres.

"Team Sofia Official, nakipagtakutan na rin kasama si Sofia Pablo sa isang special block screening ng 'Huwag Kang Titingin'!" ani ng GMA Pictures sa isang post.

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Huwag palampasin ang kakaibang horror experience ng Huwag Kang Titingin sa mga sinehan nationwide!

Sa produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Inc., kabilang din sa cast sina Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, at Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.

Samantala, silipin ang iba pang Huwag Kang Titingin blockscreening ng fans sa gallery na ito: