
Ibinahagi ng “The Voice USA” season 26 grand winner, Sofronio Vasquez, na ikinuwento sa kaniya ng kaniyang coach na si Michael Bublé ang dating koneksyon nito sa aktres na si Kristine Hermosa.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 9, sinabi ni Sofronio na nag-open up ang kaniyang coach na si Michael sa kaniya tungkol kay Kristine.
“Nakuwento niya sa akin na nagkaroon sila ng conversation and talagang nagkaroon [siya] ng link with our dyosa, Kristine Hermosa,” sabi ni Sofronio.
“He is so proud of it, na kumbaga na-admire niya how beautiful [Kristine is],” pagpapatuloy niya.
Biro pa ni Sofronio na maaaring si Kristine rin ang dahilan kung bakit malambot ang puso ni Michael sa mga Pinoy.
“Kaya siguro talagang napamahal siya sa Pinoy kaso hindi siya nagtagumpay,” natatawang sabi ni Sofronio.
Sa “Fast Talk” segment naman ng show, inamin ni Sofronio na ang celebrity crush niya ay si Kristine Hermosa rin.
Samantala, tinugunan rin ni Sofronio ang kumakalat na issue na isa siyang Indonesian ayon sa ibang netizens. Ito ay ikinagulat niya noong unang marinig ang balita.
“Nagugulat nga ako, TIto Boy, bigla akong naging Indonesian. But I'm super blessed and grateful na kumbaga whether I am from Indonesia, it is a representation of being an Asian,” paliwanag niya.
“Nilaban nila ako, kumbaga they fought for what they really think na sa kanila,” pagbabahagi ni Sofronio,
BALIKAN ANG PAGKAPANALO NI SOFRONIO SA 'THE VOICE USA' SA GALLERY NA ITO: