GMA Logo Sofronio Vasquez with Tawag ng Tanghalan judges and winners
photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Sofronio Vasquez, naghandog ng engrandeng performances sa 'It's Showtime'

By Kristine Kang
Published January 6, 2025 3:24 PM PHT
Updated January 7, 2025 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sofronio Vasquez with Tawag ng Tanghalan judges and winners


Sofronio Vasquez sa programa, 'Proud po ako nagsimula sa 'Tawag ng Tanghalan' kasi [ito] at 'It's Showtime' ang unang naniwala sa akin.'

Isang malakasang champion's welcome ang naganap sa fun noontime program na It's Showtime nitong Lunes (January 6).

Masayang sinalubong ng madlang Kapuso at It's Showtime family ang pagbabalik ng dating "Tawag ng Tanghalan" finalist at The Voice USA Season 26 champion na si Sofronio Vasquez.

Bilang selebrasyon ng kanyang pagkapanalo at pagbalik sa bansa, naghandog ng bigating performances si Sofronio kasama ang mga hurado at mga dating kampeon ng "Tawag ng Tanghalan."

Inumpisahan ni Sofronio ang kanyang inspiring performance ng madamdaming kanta ni Barbra Streisand na "The Way We Were."

Mas naakit ang audience sa stage nang naka-duet niya ang Asia's Pop Heartthrob na si Darren Espanto. Sinamahan pa sila ni Nyoy Volante habang kinakanta ang Tagalog version ng "The Way We Were."

Naging mas masigla ang stage nang inawit naman ni Sofronio ang AfterImage's song na "Next In Line" kasama ang powerhouse singers na sina Klarisse De Guzman at Yeng Constantino. Sinundan pa ito ng star-studded performance ni Sofronio at iba pang TNT alumnus na sina Marielle Montellano, JM Dela Cerna, Lyka Estrella, Reiven Umali, JM Yosures, at Rea Gen Villareal. Sama-sama nilang hinarana ang madlang Kapuso ng classic song ni Elvis Presley na "If I Can Dream."

Goosebumps naman ang nararamdaman ng lahat sa huling performance ni Sofronio kasama ang lahat ng TNT hurado at champions. Bigatin at inspiring ang kanilang ending number ng "A Million Dreams" mula sa pelikulang The Greatest Showman.

"Proud po ako nagsimula sa 'Tawag ng Tanghalan' kasi [ito] at It's Showtime ang unang naniwala sa akin. Nag-promise po ako kay Michael Bublé na pag-umuwi po ako talagang It's Showtime ang unang bibisitahin ko," sabi ni Sofronio sa isang video.

Masaya ring nakabalik sa It's Showtime stage ang international grand winner. Ayon sa kanya, hindi niya mapigilang maging nostalgic habang nagtatanghal dahil dito raw nag-umpisa ang kanyang karera bilang singer.

"Parang nag-reminisce lang po ako sa every time na nag-o-audition ako sa mga competitions. 'Tawag ng Tanghalan' po 'yung unang nakapansin sa akin," emosyonal niyang sinabi.

Samantala, nagbigay ng mga madamdaming mensahe ang It's Showtime family para kay Sofronio. Bilang pagkilala rin sa kanyang bigating pagkapanalo, masayang inabot ni Ogie Alcasid ang parangal na Special Commendation Award mula sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, kilalanin pa ang The Voice USA Season 26 champion na si Sofronio Vasquez: