Celebrity Life

Solenn Heussaff, hindi naniniwala sa Valentine's Day

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Delivery rider, nasawi matapos tumilapon at mahulog mula sa isang tulay sa Pandacan, Maynila
NPA officer, members killed in Surigao del Sur clashes
Sparkle stars walk the runway at Bench Fashion Week 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Sa karamihan, isang engrandeng paghahanda ang ginagawa pagsapit ng ikalawang linggo ng February, lalo na sa pagdating ng Februaty 14, ang Valentine’s Day. Pero para sa Kapuso artist na si Solenn Heussaff, puwede namang i-celebrate ang Araw ng mga Puso kahit kailan.

Sa karamihan, isang engrandeng paghahanda ang ginagawa pagsapit ng ikalawang linggo ng February, lalo na sa pagdating ng Februaty 14, ang Valentine’s Day. Pero para sa Kapuso artist na si Solenn Heussaff, puwede namang i-celebrate ang Araw ng mga Puso kahit kailan.

Ngayong Valentine's day, magiging special guest si Solenn sa concert ?ng singer/songwriter na si Ogie Alcasid, ang 'Samahang Walang Ka-Valentine'. 

“Hindi kami nag-celebrate ng Valentine's  [ng boyfriend ko]. Kasi Hallmark lang ‘yan, I don't believe in Valentine's,” saad niya.

Hindi man sila magkakaroon ng special date ngayong Araw ng mga Puso, inamin naman ni Solenn na flattered siya pag pinapakitaan siya ng sweet gestures. Iba pa rin umano ang pakiramdam ng nakakatanggap ng flowers at chocolates mula sa kanyang boyfriend. Gayunpaman, hindi naman siya umaasa ng surprise sa araw ng mga puso.

“I don’t look for anything na, parang 'oh Valentine's tomorrow ano ba ang gagawin natin? Bakit wala pang restaurant na binu-book?' ganun.”

Dagdag ni Solenn masaya siya ngayong Valentine’s Day dahil may kakaibang treat siya para sa mga manonood.

“Happy ako sa concert ni Ogie,” natutuwang pagtatapos ni Solenn.

Abangan si Solenn Heussaff sa Taste Buddies at ang kanyang paglipad sa Adarna

-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com