GMA Logo Soliman Cruz
Celebrity Life

Soliman Cruz, pinagsisisihan ang kanyang adiksyon noon

By Kristine Kang
Published May 29, 2024 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Decked in Santa hats and ribbons, Argentine golden retrievers chase world record
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Soliman Cruz


Soliman Cruz sa kanyang nakaraan, "Sana hindi nangyari 'yun."

Matatandaang nabalita noon ang award-winning actor na si Soliman Cruz dahil sa kanyang viral picture na nakitang natutulog na lamang siya sa kalsada ng Manila Bay.

Dahil sa kanyang adiksyon noon sa pinagbabawal na gamot, dumanas ng maraming pagsubok si Soliman sa kanyang pamilya, pinansyal, at pati na rin sa kanyang sarili.

Sa kanyang panayam kasama si Ogie Diaz, binalikan ng aktor ang kanyang mga naranasan noon.

Ayon kay Soliman, sa tuwing naaalala niya ang kanyang dinanas, palagi niyang naiisip ang kanyang mahal na ina.

"Kung babalikan ko ito, lagi kong naiisip 'yung nanay ko. Kasi siya 'yung pinakanaghirap du'n sa aking struggle," pahayag niya.

Para sa aktor, tila raw parang impyerno ang kanyang nakaraan. Nag-umpisa ang lahat sa pagtikim lang, hanggang sa nauwi na sa pagiging addiction ito. Umabot na raw sa puntong hindi na niya maiwasang gumamit nito araw-araw, at kadalasan ay nakakarining na rin siya ng mga boses sa paligid.

Ikinuwento rin ng aktor na mas pinili na niyang umalis ng kanilang bahay para hindi na lang mahirapan pa ang kanyang pamilya.

Sabi niya, "Kasi pinili ko nang tumira sa kalsada kasi masyado na akong pabigat sa pamilya. Sa nanay ko, sa kapatid ko."

Dagdag din ng aktor, "Humihiyaw na ako eh kasi marami na akong boses na naririnig. 'Pag ganu'n syempre magpa-panic ang mga kasama mo sa bahay.'Ano'ng nangyari sa'yo?'"

Nang tumira na raw si Soliman sa kalsada, pahirapang nabuhay ang aktor para lang makakakain at makabili ng drugs.

Madalas tumatambay raw sa bar si Soliman para lang makalibre ng beer at minsan pera. Naranasan na rin nyang magbenta ng mga lumang libro at CDs para lang magkaroon ng sapat na pera para sa pang araw-araw niyang pagkain.

Makalipas ang ilang panahon, sinubukang mag-rehab ng aktor ngunit madalas daw siyang labas-pasok sa center.

Nang nakahanap na siya ng mas epektibong programa na makakatulong sa kanyang kalagayan, gumaling ng paunti-unti ang kanyang addiction.

Ngayong magaling na si Soliman, maraming blessings at achievements ang kaniyang natatanggap. Para sa kanya, hindi niya malilimutan ang kanyang naranasang paghihirap noon dahil nagsilbi itong aral sa kanyang buhay.

Aniya, "Tinatawanan ko na lang. Pero hindi ko pwedeng sabihing, 'Salamat at nangyari 'yun.' Sana hindi nangyari 'yun. Kasi marami na akong nasaktang tao."