
Ipinasilip na nina Sophie Albert at Vin Abrenica ang kanilang wedding preparations.
Ayon sa celebrity couple, matagal na nilang pinaghahandaan ang kanilang kasal.
Ipinakita rin nila ang kanilang hindi pagkakasundo habang papunta sila sa kanilang wedding venue. Ito ay napanood sa first episode ng wedding preparations video sa kanilang YouTube channel.
PHOTO SOURCE: YouTube: Vin & Sophie
Saad nina Sophie at Vin sa description ng kanilang YouTube channel, "Sharing with you a sneak peak on our wedding preparations! We still have a long way to go and a lot more to share, but here is a glimpse of what we have accomplished so far! As always here's a raw video of what its like getting to the wedding of our dreams!"
Sa kanilang video, ikinuwento ni Sophie ang kanilang mga realization sa paghahanda ng kasal.
Ani Sophie, "I realized, kami ni Vin, hindi kami bridezillas or groomzillas. We're so chill lang."
Dagdag pa niya, "We've been trying to plan for a few months na, but I literally am not doing not anything."
Ayon sa kanilang vlog, si Gideon Hermosa ang magdidisenyo ng kanilang kasal na gaganapin sa Club Ananda.
Inanunsyo nina Sophie at Vin ang kanilang engagement noong February 2021.
Mayroon na sila ngayong one year old daughter na si Avianna.
Panoorin ang kabuuan ng wedding preparations at kuwento nina Sophie at Vin:
SAMANTALA, NARITO ANG SWEETEST PHOTOS NINA SOPHIE AT VIN: