GMA Logo Kirsten Gonzales Kazel Kinouchiand Jillian Ward
What's on TV

Sparkada member na si Kirsten Gonzales, napapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published April 27, 2023 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Kirsten Gonzales Kazel Kinouchiand Jillian Ward


Subaybayan ang karakter ni Kirsten Gonzales sa GMA's top-rating afternoon series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Isang bagong karakter ang tampok ngayon sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa episode na ipinalabas nito lamang Miyerkules, April 26, napanood na sa ilang mga naunang eksena ang karakter ng Sparkada member na si Kirsten Gonzales.

Kasalukuyang napapanood si Kirsten sa serye bilang isa sa mga estudyante sa isang medical school sa Maynila.

Sa ilang mga eksena, natunghayan na isa ang kanyang karakter sa medical students na nai-inspire sa mga payo ni Dra. Analyn.

Sa episode na mapapanood ngayong Huwebes na may hashtag na #AKNPParlorGames, kaabang-abang kung paano niya mas makikilala ang ugali ng pinakabatang doktor sa bansa.

Abangan kung ano ang mangyayari sa kanyang karakter habang ongoing ang activities sa kanilang school event.

Samantala, bago maging parte ng afternoon series, napanood si Kirsten sa kauna-unahang collaboration project series ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios na Luv is: Caught in His Arms.

Bukod sa kanya, ilan pang Sparkle stars ang napanood na rin bilang guests sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kabilang na rito ang kambal na anak ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy Legaspi, Max Collins, Shanelle Agustin, Patricia Coma, Jamir Zabarte, at marami pang iba.

Panoorin sa video na ito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas ngayong Huwebes:

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: