GMA Logo Sparkle Campus Cutie
What's Hot

Top 20 finalists ng Sparkle Campus Cutie Search, ipinakilala na

By Karen Juliane Crucillo
Published June 4, 2025 10:09 AM PHT
Updated June 4, 2025 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle Campus Cutie


Kilalanin dito ang top 20 finalists ng Sparkle Campus Cutie Search!

Handa na ba kayong kiligin at makilala ang mga futurre leading man ng Sparkle?

Sa report ni Lhar Santiago sa Chika Minute sa 24 Oras, Martes, June 3, ipinakilala na ang top 20 finalists mula sa first-ever Sparkle Campus Cutie Search ng Sparkle GMA Artist Center.

Maliban sa kanilang charming looks, nagpakitang gilas din ang mga finalists ng kanilang talento.

"I wasn't expecting to make it but I am so happy to be here," sabi ni Brandon Dela Cruz, ang Balikbayan Baller ng Caloocan.

"Hindi rin po ako nag-expect na makakapasok ako since 'nung ako po 'yung last na nag-audition," kuwento ni Raz Gholami, ang Tisoy Traveller ng Lucena.

Si Ryke Regala, ang Gwapito Gamer ng Cavite, Vien Monzones, ang Baby Face Hooper of Batangas, at Winston Stolk, ang Dutch Charmer and Future Pilot ng Pasay naman ay nagpapasalamat sa naibigay na oportunidad ng Sparkle at ipinangakong hindi ito sasayangin.

Aminado ang finalists sa matinding kompetisyon, kaya naman todo na ang kanilang paghahanda para dito.

"Kailangan po nating i-build yung confidence natin," sabi ni Jayson David, ang Mister Pogi ng Tarlac.

Ang iba naman ay nagme-meditation at nagwo-workout katulad na lamang nina Kiko Antonio, ang Moreno Mover ng Taft at Kady Costales, ang Heart Racer ng Batasan.

Pinaghandaan naman nina Rap Miaco, ang Charming Model Athlete ng Caloocan, Vincent Tarifa, ang Shy Boy Charmer ng Pampanga, at Andrei Fajardo, ang Boy Wonder ng Diliman ang aspetong emotional at mental.

Nagsimula na ang kanilang orientation at pictorial pati na rin ang kanilang training para hasain ang kanilang acting, singing, dancing, at communication skills.

"I am meeting a lot of friends right now," saad ni Mad Ramos, ang Spiker Prince of the South.

Si JD Gutierrez, ang Cutie Dreamer ng Clark, PJ Ballesteros, ang Superboy Wonder ng Clark, Akira Kurata, ang Japinoy Balladeer ng Cavite naman ay aminadong maraming natutunan sa kanilang workshops at pagkakaibigan.

Naramdaman din ni Russco Jarviña, ang Digiboy ng Manila at Zed Malicsi, ang Boy Next Door ng Cavite ang warm welcome sa kanila na naglo-look forward din ng mga bonding sa workshops.

Napag-usapan din ang kanilang inspirasyon sa pagpasok sa showbiz at nabanggit nila ang iilan sa mga Kapuso artists.

Ikinuwento nina Migs Concepcion, ang All Out Dancer ng Pampanga at Nathan Tan, ang Similing Chinito ng Cebu na iniidolo nila si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Si David Bunagan, ang Dance Floor Cutie ng Makati naman ay iniidolo ang Lolong star na si Ruru Madrid.

Ngayong June, aabangan ang final showdown kung saan magkakaroon ng contract signing sa Sparkle ang mananalo na maaaring maging future leading man.