
Mapapanood ang cute boys of Sparkle at cast and crew ng GMA Pictures' films sa isang survey showdown sa Family Feud.
Ngayong July 31, abangan ang tapatan ng Sparkle Cuties at Team P77 sa pinakamasayang family game show sa buong mundo.
Sa Sparkle Cuties maglalaro ang talented male stars ng Sparkle GMA Artist Center. Magiging leader ng kanilang team ang print and TV commercial model, former basketball player from College of Saint Benilde, "Zayn" sa GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest na si Prince Carlos. Makakasama ni Prince sa Sparkle Cuties ang certified foodie at naging bahagi ng Mga Batang Riles na si Dom Pangilinan; Kasama rin si Vincent Tarifa na 5'11” 'Shy Boy Charmer ng Pampanga' mula sa Sparkle Campus Cutie; at si Bont 'Master Hokage' Bryan na social media influencer at content creator na may 2 million subscribers sa YouTube. Kilala rin siya sa pag-prank ng kaniyang partner at online personality na si Baninay Bautista.
Mula naman sa Team P77 maglalaro ang cast and crew ng latest film ng GMA Pictures' na P77. Ito ay ang psychological horror thriller na pinagbibidahan ni Barbie Forteza.
Team captain ng Team P77 si JC Alcantara. Siya ang gumanap na anak ni Dingdong Dantes sa pelikulang Rewind. Kasama niya si Audrey Alquiroz, ang freelance actress at commercial model mula sa Nueva Ecija; ang filmmaker na may international awards na Bronze World Medal sa 2009 New York Television Festival para sa documentary na Pinays for Export, Silver Screen Award sa 2010 New York International Independent Film and Video Festival para sa Tasaday na si Derick Cabrido; at ang award-winning editor na si Noah Tonga na bahagi ng 2023 MMFF movie na Mallari.
Sparkle Cuties o Team P77 ba ang magwawagi ngayong Huwebes? Abangan ito sa Family Feud!
“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.