
Malapit na ang Sparkle Run 2026 at maaari nang kunin ang race kits ng participants.
Ayon sa anunsyo ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang Instagram page, maaari nang kunin ng mga tatakbo sa naturang event ang race kits sa napili nilang Sprinto store.
“Claim your official race kit at the store and date you selected during registration, and get ready for an unforgettable race day experience,” caption nila sa kanilang post.
Paalala ng Sparkle sa mga magki-claim ng kanilang race kits, dalhin lang ang kanilang valid IDs at confirmation email.
Samantala, sa mga gustong humabol at makitakbo sa kanilang paboritong Sparkle stars, bukas pa rin ang registration sa Sparkle Run 2026 dito: https://raceroster.com/events/2026/115775/sparkle-run-2026
Patuloy na rin sa paghahanda ang ilang Sparkle stars na lalahok sa Sparkle Run 2026, kabilang na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Code Gray star Kristoffer Martin.
Kilala ang dalawang Kapuso stars bilang ilan sa mga fitness-oriented celebritisl na madalos sumasali sa iba't ibang fun runs at iba pang races sa bansa.
KILALANIN ANG CELEBRITIES AT PERSONALITIES NA INE-ENJOY ANG KANILANG RUNNING ERA SA GALLERY NA ITO: