
Ready na sina Miguel Tanfelix, Shuvee Etrata, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, John Rex, at Beki Velo na mag-perform sa Filipino community sa Toronto, Canada!
Ang Sparkle stars ay bahagi ng Sparkle World Tour 2026 Taste of Manila na gaganapin ngayong August 15 at 16 sa Wilson Ave. & Bathurst St., Toronto, Canada.
Kuwento ni Miguel sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, "Looking forward ako na makita 'yung mga kapwa nating Pinoy sa Canada."
Ayon pa sa Sparkle artist, "First time ko sa Canada, siyempre excited din akong makita ang relatives ko dahil pupunta sila sa Taste of Manila."
PHOTO SOURCE: @sparklegmaartistcenter (IG)
Ibinahagi naman ni Shuvee ang kanyang excitement na makapiling ang mga Kapuso sa Toronto.
"Excited ako kasi magpe-perform tayo sa mga kapwa Kapuso natin diyan mismo sa Canada."
Samantala, looking forward din si Rochelle na mag-perform para sa mga dadalo sa Taste of Manila.
"For sure, mag-iiwan 'to sa lahat ng kababayan natin sa Canada ng isang kasiyahan ulit na para bang nandito lang sila sa Pilipinas."
Ipinakita naman sa Sparkle social media accounts ang ginanap na mediacon para sa kanilang upcoming weekend show sa Canada.
Abangan sina Miguel Tanfelix, Shuvee Etrata, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, John Rex, at Beki Velo sa Toronto, Canada sa Sparkle World Tour Taste of Manila ngayong August 15 at 16.