GMA Logo Sparkle Run May 30
Source: sparklegmaartistcenter/IG
Celebrity Life

Sparkle stars, naghahanda na para sa nalalapit na Sparkle Run

By Kristian Eric Javier
Published May 26, 2026 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

American in Bacolod dodges knife attack over money
Julie Anne San Jose calls Rayver Cruz her 'main source of energy' as they return for 'The Clash Teens'
This popular local fries stall is offering free upsize until June

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle Run May 30


Habang papalapit ang Sparkle Run, puspusan naman sa paghahanda ang ilang Kapuso stars para sa event.

Mahigit 70 Sparkle stars ang todo-todo na ang paghahanda para sa upcoming Sparkle Run, isang running event ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network. Gaganapin ang fun run ngayong Sabado, May 30, sa Quirino Grandstand sa Manila.

Bago pa man ang naturang fun run, ilang celebrities ang naghahanda na at nagsasanay habang papalapit ang event. Ilan na dito ay sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, at Code Gray star Kristoffer Martin, na parehong running enthusiasts.

Sa Instagram, inaya pa nga ni Barbie ang netizens na sabayan siya sa pagtakbo ng 10 kilometers sa nalalapit na Sparkle Run.

“Pretty pace lang. Ang mahalaga, mag-enjoy tayong lahat! See you next Saturday at the Sparkle Run 2026,” sulat ni Barbie sa kaniyang post.

Sa post ni Kristoffer sa kaniyang Instagram, ibinahagi rin niya ang paghahandang ginagawa para sa takbo. Sa katunayan, base sa records na pinost din ng singer-actor, nakaabot siya ng 12.03 KM sa loob lang ng 1 hour and 4 minutes.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA IN-E-ENJOY ANG KANILANG RUNNING ERA SA GALLERY NA ITO:

Makakasama rin nila ang malapit na kaibigan at kapwa runner na si Alden Richards. Naroon din ang Pambansang Ginoo na si David Licauco. Present din para makitakbo ang celebrity host na si Tim Yap, at ang Encantadia Chronicles: Sang'gre stars na sina Glaiza De Castro, Mikee Quintos, at Jon Lucas.

Present din ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Vince Maristela, AZ Martinez, Dustin Yu, Will Ashley, at Mika Salamanca, at ang Season 2 housemates na sina Sofia Pablo at Princess Aliyah.

Makikitakbo rin sina Allen Ansay, Skye Chua, si host at sportcaster Martin Javier, Korean Oppa at Never Say Die star Kim Ji Soo, House of Lies star Angel Cadao, at maging ang The Master Cutter child star na si Sienna Stevens.

Marami pa ang lalahok sa masayang event. Abangan na lang sa GMANetwork.com/Entertainment at social media ng Sparkle GMA Artist Center para sa iba pang updates tungkol sa run at sa celebrity participants.