GMA Logo Sponge Cola
Photo by: Sponge Cola
What's Hot

Sponge Cola, magkakaroon ng anniversary concert sa December

By Aimee Anoc
Published September 7, 2022 5:10 PM PHT
Updated September 7, 2022 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Sponge Cola


"May [three] months na kayo to prepare ha! Cheers to 20 years!" - Sponge Cola

Ngayong 2022 ay ipagdiriwang ng Filipino rock band na Sponge Cola ang kanilang ika-20 taong anibersaryo.

Noong Martes, September 6, inanunsyo ng grupo na magkakaroon sila ng concert para sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo na gaganapin sa December 14.

"May [three] months na kayo to prepare ha! Cheers to 20 years! Bottoms up!" sulat ng Sponge Cola sa kanilang Facebook page.

Pero bago pa man ang anniversary concert, magkakaroon ng shows ang grupo sa Canada sa darating na Nobyembre. Sa ngayon, kabi-kabila na rin ang gigs at performances nila sa bansa.

Kilala ang Sponge Cola sa hit songs nilang "Kay Tagal Kitang Hinintay," "Jeepney," "Di Na Mababawi," "XGF," at "Pag-ibig," na naging theme song ng GMA series na Dangwa.

BALIKAN ANG PERFORMANCE NG SPONGE COLA SA GMA'S PLAYLIST DITO: