
Viral ngayon sa social media ang bagong video na inupload ng collector na si Boss Toyo sa kanyang Facebook page na Pinoy Pawnstars.
Ang bago niyang mga naging bisita ay dalawang car dealer representatives.
Espesyal na kotse ang sinubukan nilang ibenta kay Boss Toyo, ito ang unang sports car ng former couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Dala ng mga bisita ang lahat ng papeles na nagpapatunay na kay Daniel nakapangalan ang naturang sasakyan at nabanggit din sa video na naghati sila Daniel at Kathryn sa pagbili dito.
Sinubukan nilang ibenta kay Boss Toyo ang sports car ng celebrities na isang Chevrolet Corvette sa halagang 6.5 million pesos.
Nagsunud-sunod ang naging tawaran ngunit sa huli, hindi sila nagkasundo sa presyo.
Sarado sa 5.8 million pesos ang huling tawad ni Boss Toyo para sa nasabing sports car, habang ang representatives ang nagdesisyon na ipagbili ito hanggang 6 million pesos.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 2.5 million views ang bagong vlog ni Boss Toyo.
Samantala, kamakailan lang, naipagbili ng former child star na si Jiro Manio ang kanyang Urian Best Actor trophy kay Boss Toyo sa halagang 75, 000 pesos.
Related Gallery: Celebrities react to Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup