GMA Logo Family Feud
What's on TV

Star-studded Independence Day, mapanonood sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published June 12, 2025 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Sabay-sabay tayong mag-"What Haffen, Vella?" ngayong Independence Day (June 12) sa 'Family Feud!'

Ordinary people na kamukha ng mga celebrities ang bibida ngayong Independence Day sa Family Feud!

Ngayong June 12, abangan ang tapatan ng Liga ng Kalokalikes at 'What Hafen Vella?' Pero bago ang kanilang pagalingan sa paghula ng top answers, papakitaan muna nila ang audience ng kanilang impressive impersonation skills. Alamin kung sino sa kanila ang magpapahalakhak sa ating host na si Dingdong Dantes.

Sa Team na 'What Hafen Vella?' mapapanood ang viral sensation na si Cristopher Diwata of Bataan. Siya ang lookalike ni Taylor Lautner na gumanap bilang Jacob sa Twilight movie series. Magiging teammate niya ang operations manager na si Michael Lasac na Mr. Bean lookalike ng Quezon City; ang estudyanteng si Andre Luis Santos na Carlos Yulo lookalike ng Marikina City; at ang events host and stand-up comedian na si Proceso Cotero Jr. na Boy Abunda lookalike ng Northern Samar.

Mula sa Liga ng Kalokalikes maglalaro si Vyan dela Cruz mula sa La Union. Siya ang KZ Tandingan lookalike na nanalo sa "Ultimate Kalokalike" contest ng It's Showtime. Kasama niya pa si Jornel Sevilla na Piolo Pascual lookalike from Bataan; Jefferson Mendoza na Awra Briguela lookalike ng Cebu City; at Jazreel dela Paz na Jackie Gonzaga lookalike ng Las Piñas City.

Makisaya kasama ang mga lookalikes ngayong June 12 sa Family Feud!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.