
Mapapanood ang new set of dance authorities, celebrity performers, and digital dance stars mula sa Stars on the Floor ngayong exciting Friday episode sa Family Feud.
Sa July 4, break muna sa sayawan ang stars bagong weekly dance showdown para magpagalingan sa pagsagot ng survey questions sa Family Feud.
Bibida sa episode na ito ang Fierce on the Floor sa pamumuno ng award-winning actress at celebrity dance star na si Glaiza De Castro. Makakatapat nila ang Masters on the Floor sa pamumuno ng Dance Trend Master, SB19 choreographer, at official dance authority ng Stars on the Floor na si Coach Jay Roncesvalles.
Makakasama ni Glaiza sa Fierce on the Floor ang dance stars at popular TikTok content creators na sina JM Yrreverre at Joshua Decena; kasama ang VXON member at isa ring celebrity dance star na si Patrick Rocamora.
Kabilang naman sa Masters on the Floor si dance artist, makeup artist, at drag queen na si Eljohn Macalatan; ang founder ng award-winning A-Team at overall choreographer ng Stars on the Floor na si MJ Arda; at dance artist and A-Team member na si Angel Datanagan.
Abangan ang stars sa sayawan sa Family Feud ngayong Biyernes, July 4!
“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.