
Handa na ba kayo sa pinakamatinding final dance battle ng dance star duos?
Ngayong Linggo, magaganap na ang huling COLLABanan ng celebrity at P-pop dance stars sa dance floor.
Sino kaya kina Team CHAO (Chanty Videla, x Alamat Jao), SUMY(Sugar Mercado x HORI7ON Jeromy), SOCCO (Rocco Nacino x KAIA Sophia), JAJO (Jasmine Curtis-Smith x 1st.One Joker), at PANISE (Paul Salas x Calista Denise) ang hihiranging Ultimate Dance Star Duo?
Maaaring bumoto ang Dance Universe kung sino ang duo na nakapagpabilib sa kanila sa final dance battle sa GMANetwork.com/SOTFVote. Magbubukas ang botohan mamayang 7:15 p.m. at magsasara naman ng 8:15 p.m.
Noong unang season ng dance competition, sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi ang itinanghal na Ultimate Dance Star Duo.
Abangan ang mainit na final dance battle ng Stars on the Floor 2026 mamayang gabi, 7:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: