
Sa likod ng mga intense na dance performances sa Stars on the Floor, punong-puno din daw ng saya at kulitan offcam.
Ayon sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Huwebes, June 26, masaya sa bonding at taping ng dance show ang host na si Alden Richards at ang dance authorities na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay.
"Kitang kita naman po sa nangyaring media conference kung ano 'yung mayroon kaming lahat individually, our relationship with each other, and 'yung bonding na meron kami dito sa show. Makikita 'yun ng mga audience natin," pagbida ni Alden sa nabuo nilang pagsasamahan sa naturang dance show.
Hindi din maitago ni Marian at Pokwang ang kanilang saya sa pagbabahagi ng kanilang taping moments.
"Sobrang priceless kasi 'yung experience na naramdaman namin dito. Talagang uuwi ka na lang ng bahay, nakangiti ka talagang uuwi," ikinuwento ng Kapuso Primetime Queen.
"Ito 'yung show talaga na looking forward na sana taping na. Super 'yung nauuna na kami dito. 'Yung wala pa lang taping pero nandito tayo," pagbiro ni Pokwang.
Ibinida din ni Coach Jay kung gaano kaganda ang upcoming dance competition na inihanda nila.
"Kumbaga kung gaano kadami itong ilaw dito sa studio na ito, ganoon din yung mga sasalang o yung mga contestants. Sobrang makulay 'tong show na 'to," sabi ni Coach Jay na inaanyayahan ang netizens na manood ng kanilang dance show.
Handa na humataw sa stage ang celebrity dance stars na sina Glaiza de Castro, Rodjun Cruz, Faith da Silva, Thea Astley, at VXON Patrick. Samantala, ang digital dance stars na sina Zeus Collins, Dasuri Choi, JM Yrreverre, Kakai Almeda, at Joshua Decena ay handa na din makipagsabayan sa dance floor.
Mapapanood na ang Stars on the Floor simula ngayong Sabado, June 28, 7:15 p.m., sa GMA.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, balikan dito ang kaganapan sa nagdaang mediacon ng Stars on the Floor: