GMA Logo Stars on the Floor
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Stars on the Floor: Permanent dance star duos, malapit nang ipakilala!

By Karen Juliane Crucillo
Published April 16, 2026 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
EXPLAINER: Which oil products are consumed in the Philippines?
Some workers of MisOr vet office may get pay only until April due to budget cut

Article Inside Page


Showbiz News

Stars on the Floor


Abangan ang reveal ng permanent dance star duos sa 'Stars on the Floor' 2026 ngayong Linggo!

Sa gitna ng intense na COLLABanan, may pasabog pang naghihintay sa Dance Universe sa Stars on the Floor 2026.

Ngayong Linggo, April 19, mas iinit ang dance floor dahil mabubuo na ang permanent Dance Star Duos na maglalaban-laban para sa Ultimate Dance Star Duo title.

Sa mga nakaraang episode, nasubok ang kanilang husay, galing, at tiyaga sa iba't ibang dance styles. Kaya ngayon, mas titindi ang challenges na haharapin ng celebrity at P-pop dance stars hanggang sa dulo.

Binubuo nina Jasmine Curtis-Smith, Rocco Nacino, Sugar Mercado, Paul Salas, at Chanty Videla ang lineup ng Celebrity Dance Stars. Samantala, sina KAIA Sophia, Calista Denise, HORI7ON Jeromy, Alamat Jao, at 1st.One Joker ang P-pop Dance Stars lineup.

Maaari na ring bumoto ang Dance Universe kada Linggo simula April 19 kung sino ang duo na nakapagpabilib sa kanila sa bawat episode sa GMANetwork.com/SOTFVote. Magbubukas ang voting tuwing 7:00 p.m., sa simula pa lang ng pag-ere ng bawat episode at isasara ito ng 8:00 p.m. sa pagtatapos ng episode. Maaari ring gamitin ang QR code na makikita sa ibaba para sa pagboto. Ang mga botong makukuha ng bawat duo mula sa weekly online voting ay magiging 30 percent ng kanilang final score sa pagtatapos ng kompetisyon.

Abangan ang mas pasabog pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, ATM YouTube channel, at GMA Pinoy TV.

Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: