
Masaya, nostalgic, at nakakakilig ang pagbubukas ng buwan ng Hunyo sa Family Feud!
Bilang pagdiriwang ng Independence Day month, ang official tagline natin para sa Hunyo ay “malayang makitawa, malayang makisaya!” Kaya naman asahan ang Monday episode na punong-puno ng entertainment, tawanan, at good vibes sa Family Feud!
Tampok ngayong June 1 ang exciting reunion ng dalawang alumni ng kauna-unahang season ng StarStruck na sina Katrina Halili at Dion Ignacio. Muli silang magsasama sa iisang stage bilang magkalabang team captains sa Family Feud.
Pinamumunuan ni Katrina ang Team KKK kasama sina singer-performer Kris Lawrence, viral personality na si Mama Dong, at filmmaker, videographer, at freediver na si Lara Callanta.
Bukod sa tawanan, may hatid ding kilig ang grupo nina Katrina at Kris dahil sa kanilang sweet at natural na chemistry. Mas naging espesyal pa ang episode dahil present din sa studio audience ang adorable na anak nina Kris at Katrina na si Katie.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, hindi rin pahuhuli si Dion Ignacio na mangunguna sa The Home Team. Kasama niya ang kaniyang asawa, na isa ring entrepreneur, at former flight attendant na si Aileen Sison-Pacheco. Kabilang din ang entrepreneur at traveler na si Jonah Ramos at ang kapatid niyang si Faith Ignacio.
Abangan ang Lunes na puno ng nostalgia at good vibes sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 1, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.