
Sa ongoing taping ng pinakaaabangang GMA drama series na Start-Up Ph na hango sa isang hit Netflix Korean series, hindi lang basta pag-arte ang naging pokus ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Mula sa napakagandang kuwento ng Start-Up, tila maraming natutunan si Alden tungkol sa pagnenegosyo, at ibinahagi niya ang ilan sa mga ito sa naging panayam ng GMANetwork.com sa kanya nito lamang July 26.
Pagbabahagi ni Alden, “Lahat po yata ng na-tackle sa Start-Up, mayroon ako. But siyempre, the beauty of being a CEO in real life is you always have to open yourself with possibilities, good and bad possibilities kasi ganun siya. When you step into being a businessman, ine-expose mo 'yung sarili with all na puwedeng mangyari. But the good thing is you keep learning from it. Kapag may problema, upuan n'yo as a group.”
Bukod dito, inilahad din ng actor-businessman ang kanyang mga naging karanasan sa pagnenegosyo at sinamahan niya pa ito ng ilang tips na maaaring makatulong din sa mga nagsisimula pa lang sa kanilang businesses.
Ayon sa Start-Up Ph actor, “When it comes to business, you always have to be subjective and never be too emotional with decision-making. Sobrang difficult nun when your emotions get in the way of your decision-making. Baka dapat magstep back ka muna at buuin mo muna 'yung sarili mo.
"Never make decisions when you're too high on a certain emotion, good or bad man 'yan, too happy, too sad, too mad or anything, kasi you will regret your decision. So, kailangan every time you decide it has to be within a neutral state of mind. When it comes to progress, mas naniniwala pa rin ako sa slow burn rather than you wanted to make it big immediately.
"It's alright to set your expectations high with your ideas, but also leave an area. Siyempre, hindi naman lahat will go according to plan, may times na matitisod ka. But going back, there are no failures naman, only lessons and you will learn from it."
Abangan si Alden Richards bilang si Tristan “Good Boy” Hernandez sa nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Ph sa GMA Telebabad!
SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG START-UP PH SA GALLERY NA ITO: