GMA Logo team dada on start up ph
What's on TV

Start-Up PH: Team DaDa's first date

By EJ Chua
Published October 13, 2022 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P581M worth of recovered assets 'not adequately preserved' by PCGG —COA
December 8, 2025: Balitang Bisdak Livestream
Check out the looks Cyrille Payumo has served at Miss Charm so far

Article Inside Page


Showbiz News

team dada on start up ph


Kinilig din ba kayo sa simple yet sweet date nina Dani at Davidson?

Kamakailan lang, nagsimula nang magpakilig sina Bea Alonzo at Jeric Gonzales sa pamamagitan ng kanilang tambalan sa Start-Up PH na tinatawag ngayong Team DaDa (Dani at Davidson).

Matapos umattend sa networking party ni Ina (Yasmien Kurdi), nagpasya si Tristan (Alden Richards) na pahiramin ng kotse si Davidson at magkunwari itong sa kaniya ang sasakyan.

Bago sila umuwi, nagkaroon ng 'getting to know each other' moment sina Dani at Davidson.

Nung mga oras na iyon, tila hindi maipaliwanag ni Dani ang kaniyang nararamdaman habang kaharap ang inaakala niyang ex-penpal niya noong siya ay bata pa.

Habang nagkakamabutihan ang dalawa, si Tristan naman ay nagtago sa gilid ng kaniyang kotse upang obserbahan ang mga kilos ni Davidson.

Kahit kasi sinabihan niya na ang binata na gumawa ng paraan para sabihin na ito na ang una at huli nilang pagkikita ni Dani, tila hindi tumutupad sa kasunduan si Davidson.

Panoorin ang nakakakilig na first date nina Dani at Davidson sa video na ito:

Ipinalabas ang unang pagtatagpo nina Dani at Davidson noong October 7 sa episode na pinamagatang #SUPHAdmission.

Abangan pa ang mga susunod na kilig moments ng Team DaDa!

Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye DITO.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: