GMA Logo startista gallery on kmjs
Source: GMA Public Affairs (YouTube)
What's Hot

Startista Gallery artist Jerry Santos, nagsalita tungkol sa mga kritisismo

By Bianca Geli
Published June 29, 2026 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu town imposes cellphone ban in schools; Palace raises concerns
6 nabbed, P12M equipment seized in Surigao gold mine bust
Philippine Airlines to resume Dubai-Manila flights this October

Article Inside Page


Showbiz News

startista gallery on kmjs


Jerry Santos: "Sana lang po, sa mga comments, be nice lang po."

Usap-usapan sa social media ang bagong bukas na Startista Gallery sa Star City sa Pasay City matapos umani ng iba't ibang reaksyon ang life-sized na mga estatwa ng mga sikat na artista.

Sa kabila ng mga puna, ibinahagi ng mga artistang nasa likod ng proyekto ang hirap at dedikasyong inilaan nila sa paggawa ng bawat obra.

Tampok sa January 28 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang Startista Gallery, isa sa mga pinakabagong atraksyon ng Star City sa Pasay City na naglalaman ng life-sized na mga estatwa ng mga kilalang personalidad sa showbiz.

Naging star-studded ang pagbubukas ng nasabing attraction, ngunit hindi nagtagal ay naging sentro rin ito ng usapan online matapos ikumpara ng ilang netizens ang mga estatwa sa kanilang mga tunay na inspirasyon.

Isa sa mga gumawa ng mga estatwa ang life-sized art fabricator na si Jerry Santos, na nagsilbing head artist ng proyekto.

"Talagang excited kami na gawin kaagad kaya talagang halos nag-oo na ako kaagad kahit wala pa 'yung usapan tungkol sa budget," kuwento ni Jerry sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon kay Jerry, umabot sa halos apat na buwan ang kanilang art team sa pagbuo ng mga estatwa. Hindi rin naging madali ang proseso dahil kinailangan pa nilang magsagawa ng body measurements at 3D scan ng mismong mga artistang gagawan ng rebulto upang mas maging makatotohanan ang resulta.

Sa kabila ng kanilang pagsisikap, hindi nakaligtas ang mga estatwa sa pambabatikos ng ilang netizens.

"Okay lang naman po sa amin ang mga kritisismo, lalo na't alam naman po namin na hindi naman po perfect ang gawa namin. Sana lang po, sa mga comments, be nice lang po," sabi ni Jerry.

Aminado rin siyang mas mapabubuti pa sana nila ang kanilang trabaho kung nagkaroon sila ng mas mahabang panahon para matapos ang proyekto.

"We could've done better if there had been more time," saad niya.

Dagdag pa ni Jerry, bahagi ng pagiging artist ang pagtanggap sa mga puna upang lalo pang mapaunlad ang kanilang sining.

"Para sa mga artist, normal na minsan naki-criticize ang mga work niyo. Ang advice ko is just do your best, kapag may nasabing hindi maganda, huwag nating i-disregard para ma-improve 'yung work natin."

Samantala, naniniwala naman ang Star City na mas ma-appreciate ng publiko ang mga estatwa kapag nakita ang mga ito nang personal.

Ayon kay Dennis Antenor Jr., press relations official ng Star City, "Comparison will always be there, hindi man Madame Tussaud 'yan."

"Doon sa mga nagba-bash, please visit us, kasi iba po talaga ang itsura when you're looking at them face to face."

Dahil sa mga naging komento online at sa hangarin ng Startista Gallery team na lalo pang pagandahin ang kanilang mga display, pansamantala munang isinara ang exhibit upang mapasailalim sa mga kinakailangang pag-aayos at pagpapaganda ang mga estatwa.

Panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo, 8:20 ng gabi sa GMA. Mapapanood din ang mga full episode nito sa KMJS Facebook page at YouTube channel.

Panoorin ang buong KMJS feature dito:

Related gallery: Filipinos who have their own Madame Tussauds wax figures