
“Oo. Hindi ba obvious?”
Ito raw ang laging isinasagot ng SB19 member na si Stell sa tuwing tinatanong siya kung siya ba ay sumailalim sa surgical enhancements.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, game na nakipagkuwentuhan ang batikang TV host sa The Voice Kids coaches na sina Stell at Pablo.
Dito, diretsahang tinanong ni Boy si Stell tungkol sa isyu ng pagpaparetoke.
“Let's go to the controversy about surgical enhancement. When you're asked that…Did you have surgical enhancement?” tanong ni Boy.
Sagot ni Stell, “Yeah. Even my friends po, when they ask me, parang 'Uy, nagpa-ano ka ba talaga?' Sinasabi ko, 'Oo. Hindi ba obvious?'”
Dagdag pa ni Stell, “Sinasagot ko, 'Pag sinabi ko bang, 'No,' maniniwala ka? 'Di ba hindi ka rin naman maniniwala?' So, sinasabi ko po kasi I think wala namang mali kasi I'm sure, 'pag tinanong ko 'yung friend ko, sabihin niya, 'Ay, 'pag may pera ako, papagawa ko rin 'yan.' Ganun lang po ngayon e.”
Ayon kay Pablo, walang masama sa pagpaparetoke dahil nakakadagdag din ito ng confidence sa sarili.
Aniya, “Sabi ko po sa kanila, 'di ba napag-usapan natin 'yan nung 'di pa tayo kilala, parang 'Magpapa-ganon ka ba ever?' Parang ganun. Tapos ang sagot ko po, 'Never. Hindi. Hindi pumasok sa isipan ko.
“Pero hindi ko na lang namalayan one day, nagpapa-filler na ako dito [sa noo]. Sabi ko, 'Nakaka-boost pala talaga siya ng confidence.”
Paalala pa ni Stell, “Tsaka, if you have the means, why not? 'Di naman hinihingi 'yon. Pinagtatrabahuhan.”
Samantala, magkasama na rin sina Stell at Pablo bilang coaches ng The Voice Kids kasama sina Billy Crawford at Julie Anne San Jose. Mapapanood ang The Voice Kids simula September 15, kasama ang host na si Dingdong Dantes.
RELATED GALLERY: LOOK: Pinoy celebs who have admitted to having cosmetic enhancements