GMA's 'The Voice Kids' holds grand media conference

Maririnig na ang pangmalakasang boses ng mga batang Pinoy sa pagsisimula ng pinakabagong The Voice Kids sa GMA ngayong September 15.
Sa isang media conference, masayang humarap sa press ang host ng nasabing singing competition na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Isa-sa ring ipinakilala rito ang apat na superstar coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell, at ang bagong miyembro ng The Voice family na si Pablo.
Mula sa tagumpay ng pinakaunang The Voice Generations sa Asya at sa Pilipinas, inihahandog naman ngayon ng GMA ang bagong The Voice Kids mula sa ITV Studios.
Silipin ang mga naging pangyayari sa grand media conference ng The Voice Kids sa gallery na ito.











