What's on TV

Stell ng SB19, may pahabol na payo sa Vocalmyx

By Marah Ruiz
Published December 12, 2023 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Ukraine's peace talks with US constructive but not easy
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Coach Stell


May pahabol na payo si Stell ng SB19 sa 'The Voice Generations' winner na Vocalmyx.

Ang grupong Vocalmyx ang itinanghal na kaunaunahang winners ng The Voice Generations Philippines.

Binubuo ito ng young singers na sina Renier Jupiter, Raven Joshua Zamora, Renz Romano, Reynan Paul, Shanny Obidos, Claire Marie Rañoa, Charisse Engracia Apag, at Rico Robito.

Mula sa Cagayan de Oro ang grupo kaya malaking bagay daw sa kanila ang pagkapanalo. Malayo sila sa kanilang mga pamilya at isa't isa lang ang naging sandalan sa pamamalagi nila sa Maynila para sa kumpetisyon.

Very proud sa kanila ang ang kanilang mentor na si SB19 main vocalist at lead dancer Stell hindi lang dahil sa husay nila sa pag-awit kundi dahil rin sa tibay ng kanilang pagkakaibigan.

"Feeling ko, 'yung suporta na 'yun ang nagpatibay din lalo sa samahan nila. Sobrang masuwerte kami na nabigyan ng pagkakataon at nagbukas ang pinto para sa ganitong klaseng talento na marinig at makita dito sa buong bansa po," pahayag ni Coach Stell.


Bilang bahagi ng premyo bilang mga kampeon ng kumpetisyon, nakatanggap ang Vocalymyx ng recording and management contract sa Universal Music Group Philippines at cash prize ng PhP 1 million.

Sa ngayon, hindi pa raw alam ng grupo kung anong gagawin nila sa cash prize kaya naman nagbigay n pahabol na payo ang kanilang mentor na si Stell.

"Siguro ang masasabi ko sa perang nakuha nila, bukod sa ipangse-celebrate n'yo 'yan ng Christmas with your family, puwede n'yo siyang gamitin para makabili or magkaroon kayo ng sariling sa inyong mga gamit para magagamit n'yo sa kailangan n'yo in the future--recording [equipment], microphones, et cetera," payo ni Stell.

Ang The Voice Generations ang pinakabagong spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios.

Napanood ito sa unang pagkakataon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong Asia via GMA Network.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.