What's on TV

Johnny Manahan on SB19's Stell: 'That's a star'

By Marah Ruiz
Published September 3, 2023 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Ukraine's peace talks with US constructive but not easy
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

johnny manahan


Na-impress si Mr. M sa star power ng SB19 member na si Stell.

Matapos ang ilang taon, magbabalik ang star maker na si Johnny Manahan o Mr. M sa pagdidirek. Ito ay para sa unang Asian franchise ng hit talent competition na The Voice Generations.

"It's been three years, four years maybe, na hindi ako humahawak ng any kind of TV show or movie. When the opportunity presented itself, [I felt] happiness. Salamat," pahayag ni Mr. M.

First time niya nai-direct si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa isang show kaya humanga raw siya sa galing nito sa hosting.

"I knew Dong to be a really fine actor. Sinusudan ko 'yung mga teleserye niya. Ako naman ang nagulat na I think he's one of the finest hots that you could have nowadays," papuri niya.

Lubos din daw siyang na-impress sa star power na hawak ng isa sa The Voice Generations judges na si Stell. Miyembro si Stell ng popular na Pinoy pop boy group na SB19 at nagsisilbing main vocalist at lead dancer ng grupo.

"'Yung presence niya, presence lang, talbog na ako. Wala na 'kong masabi, wala na 'kong mapintas. 'Pag kumanta siya, paggalaw niya, that's a star. Star si Stell," paglalarawan ni Mr. M kay Stell.

Ang The Voice Generations ay ang pinakabagong spin-off of The Voice, ang pinakalamaling singing competitons sa mundo na mula sa ITV Studios.

Unang nanapanood ang franchise na ito sa Australia at ngayon ay nakarating na sa Pilipinas sa pamamagitan ng GMA Network.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapuso sa unang episode ng programa kaya nag-trend ito sa social media.

Naging top trending topic sa X (formerly known as Twitter) ang official hashtag ng pilot episode na #TVGWelcomeToMyTeam, habang umabot naman sa mahigit kalahating milyon ang video posts gamit ang parehong hashtag sa TikTok.

Patuloy na subaybayan ang The Voice Generations, tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA at YouTube accounts ng GMA Network at ng mismong programa.