
Dahil sa kontrobersiya na bumabalot kay Stephanie [Matt Peranee], pansamantalang nakitira muna ito sa kanyang kapitbahay na si Justin [Nadech Kugimiya].
Naging tampok sa news kamakailan ang ilang UFO sightings sa Thailand kaya naman hindi nila napigilan na pagusapan ito.
Ngunit, parang labis atang naapektuhan si Justin nang marinig niya ang mga paniniwala ni Stephanie tungkol sa mga alien na tulad niya.
“Teka, alien ka ba? O kaya naman may jowa kang alien?” tanong ni Stephanie.
Bistado na kaya si Justin?
Samantala, nasorpresa sina Justin at Stephanie sa pagdating ng isang hindi inaasahang panauhin ng una.
Sino kaya ito? At bakit siya tinawag na papa ni Justin?
Patuloy na panoorin ang My Love From Another Star tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.