
Isang masayang episode ang hatid muli ng online kumustahan show na Just In.
Ngayong March 24, isang dating Kapuso ang makakasama ng Just In host na si Vaness Del Moral para sa isang virtual kuwentuhan. Ito ay former Kapuso reporter na si Steve Dailisan.
Photo source: @artistcenter
Matatandaang nilisan ni Steve ang kaniyang karera sa telebisyon para bigyan ng oras ang isa pa niyang pangarap at ito ay ang pagiging piloto.
Si Steve ay magbabahagi ng kaniyang buhay ngayong quarantine at iba pa niyang mga kuwento sa Just In.
Abangan ang kumustahang ito mamayang gabi, 8:00 p.m. sa GMA Network at GMA Artist Center Facebook page at sa GMA Artist Center YouTube channel.
Noli 'The Tank' Locsin, nagsalita tungkol sa pagdami ng half-Pinoy players sa bansa
Princess Punzalan, ibinahagi ang buhay artista sa Amerika