
Si Steve Harvey ang espesyal na bisitang aabangan sa Family Feud ngayong Biyernes!
Sa April 24 na mapapanood ang legendary at Family Feud US host na si Steve sa Family Feud Philippines.
Ang exciting at "historic moment" na ito ay ni-reveal na ng Family Feud.
Saad ng Family Feud, "Kapuso Fam, ito na ang hinihintay n'yo! Survey says… it's STEVE HARVEY on Family Feud Philippines! Isang iconic Friday ang hatid niya na siguradong hindi niyo makakalimutan! Tutok na ngayong Biyernes, 5:35 PM! "
Abangan ang historic Friday with Steve Harvey sa Family Feud ngayong April 24, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Samantala, tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.