
Hindi lubos akalain ni Maggie (Carmina Villarroel-Legaspi) na aabot sa sukdulan ang sakit na kaniyang mararamdaman sa proseso ng annulment nila ni Jeffrey (Zoren Legaspi) lalo na ng akusahan siya nito na mayroon siyang "Psychological Incapacity" kung kaya't lagi siyang galit na naging dahilan ng kanilang laging pagtatalo at hindi pagkakaunawaan na taliwas sa kaniyang ugali at tunay na nangyari sa kanilang pagsasama.
Todo naman ang sawsaw ng kabit ni Jeffrey na si Eunice (Ariella Arida) upang mapawalang bisa na ang kasal ng mag-asawa at tuluyan nang maghiwalay at gumawa pa siya ng patibong kay Maggie na hindi rin naging matagumpay. Dahil sa bigat ng pinagdaraanan, binisita ni Maggie ang puntod ng kaniyang ina upang humingi rito ng lakas na maipanalo ang kanilang annulment case.
Balikan ang mga tagpo sa ikalawang linggo ng Stories from the Heart: The End of Us, DITO:
Maggie is a narcissist? | Episode 6
Concerened Ex-husband | Episode 7
The real side of Eunice | Episode 8
Eunice's plan | Episode 9
Maggie and Jeffrey's closure | Episode 10